Mga produktong likha ng mga PDLs mula sa Bilibid at Correctional, tampok sa 100-day Christmas Bazaar ng SM Center Muntinlupa
Nakilahok ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pamamagitan ng Work and Livelihood Division sa isang daang araw (100) na Christmas Bazaar ng SM Center Muntinlupa na nagsimula ngayong Huwebes, Setyembre 15 at magtatapos sa Disyembre 25, 2022.
Ang nasabing Chistmas Bazaar ay lalahukan ng mga pasilidad ng bilangguan ng BuCor kabilang ang NBP- Maximum Security Compound, NBP-Medium Security Compound, NBP-Minimum Security Compound at Correctional Institution for Women (CIW).
Ang paglahok sa nasabing aktibidad ay upang ipakita at ibenta ang mga gawang produkto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL). Isa rin itong paraan upang maipamalas ang kanilang mga talento at kakayahan sa sambayanan.
Ang Bucor sa liderato ni Director General Undersecretary Gerald Q. Bantag ay aktibong nakikibahagi sa mga programang pampubliko at pribadong sector sa bansa upang hikayatin at palakasin ang kumpiyansa ng mga PDL sa paglahok sa mga programang pangrepormasyon ng Work and Livelihood Division ng Kawanihan. (Bhelle Gamboa)