50 pamilya na nasunugan sa QC sa covered court nagpalipas ng gabi
Sa covered court nagpalipas ng gabi ang 50 pamilya na nabiktima ng sunog sa Brgy. Del Monte sa Quezon City.
Binisita ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga nasunugang pamilya para perosnal na alamin ang kanilang kalagayan.
Nauna nang namahagi ng tulong ang pamahalaang lungsod tulad ng hot meals, food packs, at hygiene kits sa mga pamilyang kasalukuyang nananatili sa evacuation center.
Nagpasalamat naman ang QC local government sa pribagong organisasyon gaya na lamang ng Philippine Red Cross at sa mga konsehal sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng sunog. (DDC)