Bagyong Inday lumakas pa, isa nang severe tropical storm – PAGASA
Lumakas pa ang bagyong Inday at nasa Severe Tropical Storm category na ayon sa PAGASA.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 800 kilometers East ng Aparri, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gita at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo sa Linggo o Lunes dahil mananatili ito sa Philippine Sea.
Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal bunsod ng nasabing bagyo. (DDC)