Pangulong Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II
Nagpaabott ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.
Sa pahayag sinabi ni Marcos, si Queen Elizabeth ay kinilala hindi lamang bilang isang reyna kundi bilang ina at lola ng mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa England.
Halimbawa aniya si Queen Elizabeth ng “true monarch’s great dignity”.
Binanggit din ni Marcos ang ipinakitang commitment ng reyna sa kaniyang tungkulin.
Sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II sinabi ni Marcos na nawalan ang mundo ng “true figure of majesty”. (DDC)