Karagdagang tactical motorcycle riders ipakakalat ng NCRPO sa Metro Manila

Karagdagang tactical motorcycle riders ipakakalat ng NCRPO sa Metro Manila

Sa pagpapatuloy ng inisyatibo na makapagbigay ng seguridad para sa mga residente sa Metro Manila, pinangasiwaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, Brig. General Jonnel C. Estomo kasama si BGen Jack L. Wanky, ADRDO, NCRPO, ang Send-Off Ceremonies ng Tactical Motorized Riders Unit (TMRU) – Regional Mobile Force Battalion sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang NCRPO sa pamamagitan ng S.A.F.E Program ay gagawin ang lahat ng kaukulang gampanin ng mga pulis upang mapataas ang kanilang presensiya,magbigay ng mas madaling police accessibility at lalong mabilis na pagresponde sa anumang mangyayaring kaganapan.

Kaugnay nito, makikita at mararamdaman ang mga pulis sa komunidad.

Layunin ng programa para sa puwersa ng pulisya hindi lamang makilala sa masigasig na operasyon ng pagpapatrulya kundi sa pamamagitan din ng performance ng iba pang tungkulin na katangi-tangi at mahusay upang mapigilan ang mga krimen,na mabibigyan naman ng pagpapahalaga at pasasalamat ng komunidad dahil sa kanilang presensiya.

“With the send off of Tactical Motorized Riders (TMRU), communities can be assured that they can sleep sound at night without fear or worry of criminal elements around. Kung kailan tulog ang mga tao, ang mga pulis ay gising upang kayo ay bantayan.This is the sacrifice that NCRPO offers especially during night time rendering services and protecting people,” ani BGen Estomo

Sa bawat district kabilang ang Northern, Eastern, Manila, Southern at Quezon City ay magdaragdag ng 24 tactical motorcycle riders sa kanilang nasasakupang lugar na karagdagan sa unang dineploy ng TMRU noong Agosto.

Ipinapakita ngayon ang agresibo at mapanatili ang pagpapatrulya ng mga pulis upang mabawasan ang mga krimen sa lansangan, pag-aresto sa mga motorcycle-riding criminals at mas higpitan ang mga hakbang sa seguridad para sa manggagawa, trabahador at pasahero sa gabi.

Ito ay bilang tugon na rin sa Peace and Security Framework ni PNP Gen. Rodolfo S. Azurin Jr. na tinawag na MKKK. Ang unang K ay KAAYUSAN na tumatampok sa karaniwang katungkulan ng pulis sa pagpapatupad ng mga batas,ordinansa at iba pang umiiral na kautusan para sa kaligtasan at kaayusan sa mga komunidad.

” S.A.F.E NCRPO is a holistic and comprehensive approach encompassing indispensable mechanisms that needs the coordination of the community in order to prosper. “Gearing towards the realization of our effort, we will establish a strong partnership with the community emphasizing the philosophy of community policing where the police and the community works together towards a healthy, crime-free and harmonious community,” diin ni ARD Estomo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *