Presyo ng LPG bumaba ngayong unang araw ng Setyembre

Presyo ng LPG bumaba ngayong unang araw ng Setyembre

Good news! Sinalubong ng pagbaba sa presyo ng cooking gas o Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Setyembre.

Sa abiso ng kumpanyang Solane, may bawas na P1.62 kada kilo ang kanilang LPG.

Katumbas ito ng P17.82 na pagbaba sa presyo ng kada 11-kilogram LPG cylinder.

Bumaba din ang presyo ng LPG ng Phoenix ng P1.75 kada kilo o katumbas ng P19.25 na kaltas sa kada 11 kilogram LPG cylinder.

May bawas din na 95 centavos kada litro ang Auto LPG ng Phoenix.

P1.75 kada kilo din o P19.25 kada 11 kilogram na tangke ang ibinaba sa presyo ng LPG ng kumpanyang Petron.

Habang may bawas na 98 centavos kada litro ang kanilang AutoLPG.

Samantala, ang EC Gas ay nagpatupad di ng P18 na rollback sa kanilang 11 kilogram LPG cylinder.

Habang ang Cleanfuel ay nag-anunsyo ng P1 rollback sa kada litro ng kanilang AutoLPG. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *