Presyo ng diesel posibleng tumaas ng P5 kada litro sa susunod na linggo
May malakihang pagtaas muli sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), sa unang apat na araw ng kanilang monitoring ay mayroon nang indikasyon ng pagtaas sa halaga ng produktong petrolyo.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Asst. Dir. Rodela Romero, maaring tumaas ng P5 kada litro ang presyo ng diesel, habang ang presyo ng gasolina ay tataas ng P1 kada litro.
Maari pang magbago ang datos base sa magiging resulta ng trading ngayong araw ng Biyernes (Aug. 26).
Sinabi ni Romero na ang pagtaas ng halaga ay dahil sa pagtaas ng demand sa produktong petrolyo dahil nagsimula na rin ang paglamig o winter season sa ilang mga bansa. (DDC)