Ilang bodega ng asukal sa Bukidnon, ininspeksyon ng Customs

Ilang bodega ng asukal sa Bukidnon, ininspeksyon ng Customs

Nagsagawa ng inspeksyon ang mag tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa ilang bodega ng asukal na pag-aari ng Crystal Sugar Company Inc. sa North Poblacion, Maramag, Bukidnon.

Ayon sa Customs, mayroong mahigit 400,000 sako ng asukal na nakita sa nasabing bodega.

Katuwang ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro ang mga kinatawan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Sugar Regulatory Administration,
nang isilbi ang Letter of Authority (LOA) at ang Mission Order (MO) sa mga tauhan ng mga nasabing bodega.

Kabuuang 466,142 na sako ng asukal ang natuklasan sa mga nasabing bodega ngunit paliwanag ni Javier Sagarbarria, Vice President ng Crystal Sugar Company na 66 percent ng mga sako ng asukal ay pag-aari ng mga magsasaka at mangangalakal.

Sinabi pa ni Sagarbarria na umaabot sa tatlong milyong sako kada taon ang napro-produce ng naturang milling company sa tulong umano ng mga planters associations sa lalawigan.

Kasunod nito, Agosto a-24, ininspeksiyon din ang BUSCO Sugar Milling Corporation sa Barangay Butong, Quezon, sa Bukidnon.

Sinabi ni BUSCO Officer-In-Charge Ellen B. Villaflora sa mga otoridad na may 110,674 bags ng asukal sa kanilang bodega at 26,000 nito ay hindi pa refined.
Mula sampu hanggang 15 libong bags kada araw aniya ang inilalabas sa mga trader araw-araw.

Bagaman tiniyak ng dalawang milling companies na locally produced ang kanilang mga asukal na sinu-supply sa Northern Mindanao at Davao Region, inatasan ng mga otoridad ang mga opisyal nito na magsumite ng mga dokumento kasama na ang Sugar Monitoring System Reports na nagpapatunay ng kanilang mga sinasabi. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *