Bagyong Florita nasa coastal waters na ng Palanan, Isabela; Signal No. 3 nakataas sa bahagi ng Cagayan at Isabela
Bumilis pa ang kilos ng Severe Tropical Storm Florita at ngayon ay nasa coastal waters na ng Palanan, Isabela.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa karagatan ng Palanan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong North northwestward.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion of Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.)
– northern and eastern portion of mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
– eastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)
Signal number 2 naman ang nakataas sa:
– nalalabing bahagi ng Cagayan
– nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
– nalalabing bahagi ng Isabela
– Quirino
– northern and eastern portion of Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu)
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– northern portion of Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan)
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Habang Signal number 1 naman sa:
– Batanes
– nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
– nalalabing bahagi ng Benguet
– La Union
– Pangasinan
– eastern portion of Tarlac (San Clemente, Camiling, Moncada, San Manuel, Anao, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Ramos, Pura, Victoria, La Paz, City of Tarlac, Concepcion)
– Nueva Ecija
– nalalabing bahagi ng Aurora
– eastern portion of Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba)
– eastern portion of Bulacan (San Ildefonso, San Miguel, Doña Remedios Trinidad, San Rafael, Angat, Norzagaray, City of San Jose del Monte)
– eastern portion of Rizal (Rodriguez, San Mateo, City of Antipolo, Tanay, Baras)
– northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag) including Polillo Islands
– northern portion of Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete)
– Camarines Norte
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng heavy to intense at kung minsan ay torrential rains sa Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at Zambales.
Katamtaman hanggang malakas at kung minsan ay intense rains sa northern portion ng Aurora, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley
Habang mahina hanggang katatamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Camarines Norte, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.
Ayon sa PAGASA posibleng bukas ng umaga ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo. (DDC)