Pagpapaliit sa distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga PUV, simula na ngayong araw
Unti-unti nang aalisin o paliliitin ang physical distancing o pagkakalayu ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon na sisimulan ngayong araw, Setyembre 14.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon, Jr. ,ngayong araw ay paiiralin na ang distansiya sa pagitan ng bawat pasahero na .75 meter mula sa dating isang metro ngunit mananatili “No Face Mask, No Face Shield, No Entry” policy, at ang “No Talking and No Answering Calls”
Layon aniya nito na mas maraming pasahero ang makasakay at makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ang kautusan na aprubado ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)
ay para sa lahat ng uri ng transportasyon gaya ng LRT, MRT, PNR, mga bus, jeepneys, barko at mga eroplano.
Inaasahan naman darami na ang mga makasasakay na pasahero sa unti-unting pagbabawas ng distansiya sa loob ng mga pampublikong sasakyan sa loob ng bawat dalawang linggo mula sa isang metrong distansiya noong Agosto a-19 na ginawa na ngayong araw na 0.75 meters; at mula September 28 ay magiging 0.5 meters distance na lamang hanggang sa maging 0.3 meters na lamang ito pagpitada ng Oktubre 12, ngayong 2020.
Ang naturang protocol ay maaaring baguhin sakaling magkaroon ng anumang problema matapos ang implementasyon.