Bagyong Florita napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas sa 12 lugar sa bansa

Bagyong Florita napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas sa 12 lugar sa bansa

Napanatili ng tropical depression Florita ang lakas nito habang kumikilos sa sa bahagi ng Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo sa layong 310 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na lugar:

– Cagayan
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

Ayon sa PAGASA, hanggang mamayang gabi ay makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes at Aurora.

Mamayang gabi hanggang bukas ng umaga ay makararanas naman ng heavy to intense na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.
Katamtaman hanggang malakas na ulan naman ang mararanasan sa northern portion ng Aurora, Zambales, Bataan, at nalalabi pang bahagi ng Cagayan Valley. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *