Kaso ng COVID-19 sa NCR pababa na ayon sa OCTA Research

Kaso ng COVID-19 sa NCR pababa na ayon sa OCTA Research

Pababa na ang trend ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA Research.

Ayon sa OCTA Research, araw ng Miyerkules (Aug. 17), mayroong 845 na bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Batay sa datos, nasa 1,173 ang 7-day average ng kaso ng COVID-19 sa NCR.

Ang reproduction number sa NCR noong Aug. 14 ay 1.03 na mas mababa sa 1.18 noong Aug. 7.

Ang one week positivity rate sa NCR ay 15.7 percent noong Aug. 16 mas mababa kumpara sa 17.1 percent noong Aug. 9.

Sinabi ng OCTA Research na kung magpapatuloy ang pagbaba ng datos, sa katapusan ng August o sa unang linggo ng Setyembre ay aabot na lang sa 500 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *