BPI may systems maintenance sa Aug. 19-20; ilang serbisyo kabilang ang ATM, online at Mobile App hindi magagamit
Magsasagawa ng maintenance activity ang Bank of the Philippine Island (BPI) sa August 19 at August 20.
Sa inilabas na abiso ng BPI, sa kasagsagan ng Systems Maintenance ay ilang serbisyo nila ang hindi magagamit ng publiko.
Simula 10:00 ng gabi ng August 19 hanggang 2:00 ng hapon ng August 20 ay hindi ma-access ang sumusunod na serbisyo ng BPI:
– BPI Channels
– ATMs and Cash Accept Machines (CAMs), BPI Online and BPI Mobile app, BPI BizLink, and BPI BizKo
– BPI Debit Cards
– BPI services using BPI online credentials in partner websites and apps, interbank funds transfer to BPI, and funding of BPI Prepaid cards
Mananatili namang available ang BPI Credit Card at BPI Prepaid Card services. (DDC)