Presyo ng asukal bababa sa susunod na buwan
Bababa ang presyo ng asukal sa buwan ng Setyembre ayon sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI).
Ayon kay PCAFI President Danilo Fausto, nasa 50 percent ng produksyon ng asukal ay napupunta sa industrial users, 30 percent ang sa household consumers, at 20 percent ang sa mga institusyon gaya ngmga restaurants at ospital,
Sinuportahan naman ni Fausto ang pasya ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. na harangin ang pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.
Ayon kay Fausto, simula sa susunod na linggo ay magsisimula na ang milling at harvest season sa asukal.
Magiging agrabyado aniya ang mga local industry producers at mga manggagawa kung itutuloy ang pag-aangkat ng asukal. (DDC)