Consumer advocacy group magsasampa ng kaso laban sa umano’y pekeng KBK group ng MORE Power sa Iloilo City

Consumer advocacy group magsasampa ng kaso laban sa umano’y pekeng KBK group ng MORE Power sa Iloilo City

Muling kinalampag ng consumer advocacy group na Koalisyon Bantay Kuryente (KBK) ang More Electric and Power Corporation (MORE Power) dahil umano sa kanilang pag-organisa ng isa pang grupo na mayroong parehong pangalan sa kanilang grupo para linlangin ang publiko at kontrahin ang mga consumers.

Sa virtual press conference, ibinunyag ni KBK coordinator Allen Aquino ang pekeng KBK ng MORE Power.

Nitong mga nakaraan daw ay ang naturang grupo ang responsable sa pagpapakalat ng mga misleading public statements sa pamamagitan ng kanilang presidenteng si Halley Alcarde para i-discredit ang dvocacy group.

“Ang fake KBK ng MORE POWER, yung intention talago is to silence us, para mawawala yung reklamo koy MORE, so yun lang talaga ang pure intention nila. Hindi nila pwede ipatahimik ang consumers ng iloilo, nakaumpisa tayo noon pa, hanggang ngayon, hanggang sa future,” ani Aquino.

Sinabi ni Aquino na binuo ng MORE Power ang pekeng KBK group saka inirehsitro sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang tugon sa mga kritisismo ng totoong KBK na kumokontra sa More Power partikular sa kanilang overbilling for systems loss charges, ang mga nararanasang power outages at ang kawalan ng public consultation noong nabigyan ng legislative franchise ang More Power.

“To recall, the true KBK alleged that MORE Power needs to silence consumers to cover up the excessive systems loss charges that breached the Energy Regulatory Commission-mandated cap of 6.25%, resulting in an estimated P20.9 million in fraudulent charges to consumers. “Ang nangyayari dito hindi toto yung mga sinasabi nila (MORE Power’s fake KBK), particularly yung sa operations ni MORE, hindi lumalabas ang totoong nangyari,” dagdag ni Aquino.

Dahil dito, sinabi ng totoong KBK leadership na maghahain ang mga ito ng reklamo sa SEC para linisin ang kanilang pangalan at protektahan ang consumer interests at welfare.

“Kinakailangang i-question-in dahil hindi lang siya pangalan. Kinakailangan i-reclaim namin ng kami ang totoong KBK at saka i-reclaim namin na kami ong totoong consumer watchdog.”

Ayon kay Aquino, mayroon ngayong dalawang social media pages sa Facebook na gunagamit KBK.

Pero sa petsa ng pagbubukas ng nasabing pages ang magpapatunay na impostor ang isang grupo dahil kailan lamang ito nagsimula.

Kinuwestyon din ni Aquino ang timing ng paglalabas ng MORE Power ng pekeng KBK.

Giit ni Aquino ilang taon na umanong pumupunta ang KBK sa mga barangay para ipaglaban ang kapanakan ng mga consumers.

“Pumupunta kami sa bawat barangay at kinakousap noming ong mga too. Pinapakinggan naming ang kanilang mga complaints at fino-formalize ito.cAng ginagawa long ng MORE’s Power fake KBK ay propaganda. Hindi nila sinosabi ang totoo. The true KBK was formed based on the Bill of Rights and the Magna Carta for Electricity Consumers and its leadership is well known within the llonggo community. Both provide the right for consumers, the community, workers, and others to form organization with the intention of protecting their own interest and welfare. “Malaki po ang pagkakaiba ng KBK na itinayo nomin at ang pekeng KBK ng More Power. Ang amin pong KBK ay matagal ng naglilingkod para protektahan ang interes ng mga consumer so lolo. Ang bagong totog ng KBK ng MORE Power ay binuo upang protektahan ang interes ng More Power. Ang intensyon namin ang prinsipyo namin, ang hangarin namin ay tumulong at protekahan ang interes ng mga consumer,” pagtatapos ni Aquino.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *