Resolusyon na nag-aatas ng pag-aangkat ng asukal pinaiimbestigahan ng Malakanyang
Pinaiimbestigahan ng Malakanyang ang direktiba sa pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi otorisado ang kautusan para sa pag-aangkat ng asukal.
Ayon kay Angeles hindi otorisado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing resolusyon.
Hindi rin umano inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pulong na idinaos sa ng Sugar Regulatory Board kung saan napagpasyahan ang importasyon ng asukal.
Sa kopya ng resolusyon na nag-aatas ng pag-aangkat ng asukal, makikitang nilagdaan ito ni Undersecretary Leocadio Sebastian. (DDC)