P3.4M na halaga ng shabu nabisto ng working dog ng Coast Guard

P3.4M na halaga ng shabu nabisto ng working dog ng Coast Guard

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Field Operating Unit Southwestern Mindanao ang tinatayang nasa 600 gramo ng shabu sa cargo area sa Zamboanga City.

Na-detect ng Working Dog ng Coast Guard na si “Bunny” ang kontrabando na laman ng isang bagahe.

Nang buksan ay natukoy na naglalaman ito ng shabu na tinatayang P3.4 million ang halaga.

Sa inisyal na imbesigasyon, ang package ay ipinadala ng isang Farhana Maddih mula Basilan para sa isang Dayana Ismael na taga-Quezon City.

Nai-turnover na ang bagahe sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IX. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *