Libreng Sakay program inilunsand ng OVP

Libreng Sakay program inilunsand ng OVP

Naglunsad ng Libreng Sakay program ang Office of the Vice President (OVP).

Katuwang ang Department of Transportation, inilunsad ng OVP ang “Peak Hours Augmentation Bus Service (PHABS) – Libreng Sakay” sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, limang wifi-ready buses ang gagamitin sa OVP Libreng Sakay Program.

Dalawa dito ang inilaan para sa mga taga-Metro Manila, isa Davao City, isa sa Cebu, at isa rin sa Bacolod.

Ayon kay Duterte, ang nasabing mga bus ay ipinahiram sa OVP para magamit ng tanggapan.

Gayunman, mas magiging kapaki-pakinabang aniya ang mga ito kung magagamit ng libre ng commuting public. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *