1,015 pang kaso ng Omicron BA.5 naitala sa bansa
Nakapagtala ng 1,015 pang kaso ng Omicron BA.5 subvariant batay sa resulta ng pinakahuling genome sequencing.
Sa press briefing ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, halos lahat ng rehiyon sa bansa ay nakapagtala ng BA.5 cases maliban lamang sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.
Dahil dito, umakyat na sa 3,012 ang bilang ng naitatalang kaso ng BA.5 subvariant sa bansa.
Sa naitalang 1,015 na kaso, 883 ay pawang
naka-recover, 84 ang naka-isolate pa, habang inaalam pa ang status ng iba pa.
Samantala, nakapagtala din ang DOH ng dagdag na 26 na kaso ng BA.4 omicron subvariant at 15 bagong kaso ng BA.2.12.1 omicron subvariant. (DDC)