Monkeypox emergency idineklara sa California
Nagdeklara ang pamahalaan ng California ng monkeypox emergency.
Ayon kay California Governor Gavin Newsom, palalakasin ang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa pagbabakuna kontra monkepox.
Mayroong 827 na kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa California ayon sa datos ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention..
Pumapangalawa ito sa may pinakamaraming kaso ng monkeypox sa US kasunod ng New York na mayroong 1,390 na kaso. (DDC)