Lt. Gen. Rodolfo Azurin itinalaga ni Pangulong Marcos bilang PNP chief; Lt. Gen. Bartolome Bacarro bagong AFP Chief of Staff

Lt. Gen. Rodolfo Azurin itinalaga ni Pangulong Marcos bilang PNP chief; Lt. Gen. Bartolome Bacarro bagong AFP Chief of Staff

Inanunsyo na ng Palasyo ng Malakanyang ang magiging bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa press briefing, sinabi ni PRess Secretary Trixie Cruz-Angeles na itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Lt. Gen. Rodolfo AzurinJr. bilang bagong pinuno ng PNP.

Si Azurin ay kasalukuyang commander ng Northern Luzon Police sakop ang Ilocos Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon Region, at ang Cordillera Administrative Region.

Dati rin siyang naging commander ng PNP Southern Luzon.

Samantala, si Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro namamn ang bagong chief of staff ng AFP.

Si Bacarro ay kasalukuyang commander ng Southern Luzon Command ng AFP.

Si Bacarro ang magiging kauna-unahang chief of staff ng AFP na magkakaroo ng fixed na three-year term sa ilalim ng nilagdaang Republic Act No. 11709 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *