Pangulong Marcos nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa Ateneo

Pangulong Marcos nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa Ateneo

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamilya ng mga nasawi sa pamamaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

“We are shocked and saddened by the events at the Ateneo graduation today. We mourn with the bereaved, the wounded, and those whose scars from this experience will run deep,” ayon kay Marcos.

Tiniyak ni Marcos na gagawin ng mga otoridad ang lahat para sa mabilis na imbestigasyon at mapanagot ang nasa likod ng krimen.

“We commit our law enforcement agencies to thoroughly and swiftly investigate these killings and bring all involved to justice,” ayon pa sa pangulo.

Nagpaabot din ng dasal ang pangulo sa mga magsisipagtapos at sa kanilang pamilya, gayundin sa buong Ateneo community.

Ipinaabot din nito ang panalangin mga residente ng Quezon City at Basilan.

Kabilang sa nasawi sa nasabing pamamaril si dating Lamitan, Basilan Mayor Rose Furigay.

Dadalo sana si Furigay sa graduation ceremony ng kaniyang anak sa Ateneo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *