DOTr Sec. Jaime Bautista nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista.
Kinumpirma ito sa inilabas na pahayag ng DOTr.
Ayon sa DOTr, naka-isolate na ngayon ang kalihim.
Nakaranas umano si Bautista ng mild na sintomas gaya ng pananakit ng ulo at ubo.
Sinabi ng DOTr na patuloy namang gagampanan ni Bautista ang kanilang tungkulin. (DDC)