Pangamba ng tsunami pinawi ng Phivolcs matapos ang magnitude 6.6 na lindol sa Vanuatu
Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Vanuatu.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig alas 2:13 ng hapon ng Lunes, Sept. 7 oras sa Pilipinas.
May lalim na 10 kilometers ang lindol.
Kahapon, Sept. 6 tumama din ang malakas na magnitude 6.2 na lindol sa Vanuatu.