Death penalty sa mga drug traffickers suportado ng PNP

Death penalty sa mga drug traffickers suportado ng PNP

Death penalty sa mga drug traffickers suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukala na muling pairalin ang parusang bitay para sa mga big-time drug traffickers.

Ang nasabing panukala ay isinusulong ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., officer-in-charge ng PNP, napapanahon nang ibalik ang death penalty sa usapin ng ilegal na droga.

Ang ilegal na droga aniya ang rasyon sa mga insidente ng krimen.

Marami na rin aniyang nasirang buhay dahil sa illegal drugs.

Naniniwala si Danao na dapat bigatan ang parusa sa mga nahuhulihan ng kilo-kilong ilegal na droga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *