Sen. Pimentel sinabing hindi praktikal ang bagong P1,000 Polymer notes na inilabas ng BSP
Hiniling ni Senator Koko Pimentel III sa Bangko Sentral ng Pilipinas na ihinto ang pagpapalabas ng bagong P1,000 Polymer notes.
Ayon kay Pimentel hindi praktikal ang inilabas na bagong banknotes matapos ang paglalabas ng hinaing ng mga netizen tungkol dito.
Naghain din ng resolusyon sa senado si Pimentel para magkasa ng imbestigasyon sa BSP dahil sa ginagawa nitong paulit-ulit na pagbabago sa banknotes at coins gamit ang pera ng taumbayan.
Nagtataka din si Pimentel kung bakit nagpasya ang BSP na gamitin ang Polymer bilang materyales sa bagong pera sa halip na abaca.
Ayon sa senador makatutulong sana ito sa local manufacturers ng abaca fiber. (DDC)