BSP inabisuhan ang mga bangko at retailers na tanggapin pa rin ang nakatupi na Polymer Banknotes

BSP inabisuhan ang mga bangko at retailers na tanggapin pa rin ang nakatupi na Polymer Banknotes

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang mga banknotes na papel at polymer ay maaari pa ring gamitin at ipambayad kahit na ito ay itinupi.

Sa inilabas na pahayag ng BSP, inabisuhan nito ang mga retailers at mga bangko na tanggapin sa day-to-day payment transactions ang Polymer Banknotes kahit mayroon itong tupi.

Inilabas ng BSP ang abiso bilang tugon sa pagkabahala ng ilang netizens sa hindi pagtanggap sa lukot na 1000-Piso polymer banknotes.

Ayon sa BSP, sa inilabas nilang guidelines sa tamang pagtatago sa polymer banknotes nakasaad dito ang paggamit ng wallets kung saan maayos itong magkakasya.

Ayon sa BSP kabilang sa maaaring gamitin ang mga tipikal na bi fold wallet.

Mahalaga ding panatilihin itong malinis.

Ang nasabing guidelines ay aplikable maging sa mga paper banknote. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *