10,271 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH sa nakalipas na isang linggo

10,271 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH sa nakalipas na isang linggo

Nakapagtala ng 10,271 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula July 4 hanggang July 10, 2022.

Ang datos ayon sa Department of Health (DOH) ay 39 percent na mas mataas kumpara sa naitalang mga bagong kaso noong June 27 hanggang July 3.

Ayon sa DOH, sa 10,271 na bagong mga kaso, 10 ang severe at critical cases.

Habang nakapagtala naman ng 50 na dagdag na nasawi .

Samantala, iniulat din ng DOH na mayroon nang 71,055,752 na fully vaccinated individuals.

Umabot naman na sa 15,342,652 ang nakatanggap ng booster shots. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *