Pangulong Marcos nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Malakanyang na nagpositibo sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagpositibo si Marcos sa antigen test sa COVID-19.
Mayroon aniyang bahagyang lagnat ang pangulo pero maayos naman ang kondisyon nito.
Ang mga nagkaroon ng close contact sa pangulo ay inimpormahan na ng Presidential Management Staff at inabisuhang obserbahan ang kanilang sarili sa posibleng sintomas.
Ang mga schedule ng pangulo ngayong araw ay dinaluhan muna ni Executive Sec. Vic Rodriguez.
Virtual namang dadalo sa League of Governors and Mayors Meeting si Marcos ngayong gabi. (DDC)