WATCH: Nurse na Zumba instructor din

WATCH: Nurse na Zumba instructor din

Tunay na kahanga-hanga ang dedikasyon sa trabaho ng mga medical frontliner ngayong mayroong pandemya ng COVID-19.

Literal na “buwis buhay” ang pagganap nila sa kanilang tungkulin, ngayong nahaharap ang bansa sa health crisis.

Sa bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal, hindi lang basta pangangalaga sa mga pasyente ang ginagampanang tungkulin ng mga nurse.

Sa quarantine facility sa Montalban kinakailanga ang mga PUI suspect at PUI probable.

Para masigurong malakas ang kanilang resistensya, tuwing umaga ay pinag-eehersisyo ang mga naka-quarantine.

Kaya naman ang mga nurse, maliban sa pag-aalaga sa mga nasa quarantine facility, magsisilbi na ring zumba instructor.

Sa video na ibinahagi ng Municipal Health Office – Montalban sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Tom Hernandez, isang nurse ang masigasig na nagtuturo ng dance steps sa mga PUI para sila ay makapag ehersisyo.

Suot ang kaniyang PPE set, hataw sa pagsasayaw ang nurse na sinusundan naman ng mga naka-quarantine.

Ayon kay Montalban Municipal Health Office head, Dra. Carmela Javier, araw-araw itong ginagawa sa quarantine facility.

At sa araw-araw, madalas ay mga nurse na din ang nagsisilbing zumba instructor sa mga pasyente.

Ito ay upang masigurong mapalalakas pa ang immune system ng mga PUI suspect at PUI probable na kumukumpleto sa kanilang quarantine.

Salute to all frontliners!

https://www.facebook.com/112333670567098/posts/137326168067848/

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *