Bagyong Domeng lumakas pa isa nang tropical storm – PAGASA

Bagyong Domeng lumakas pa isa nang tropical storm – PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Domeng at ngayon ay nasa tropical storm category na ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 940 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilaga sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras, ang Habagat na pinalalakas ng bagyong Domeng at ng bagyong may international name na Chaba ay magdudulot ng monsoon rains sa Kalayaan Islands.

Makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa western sections ng Central at Southern Luzon.

Bukas ng umaga o bukas ng tanghali ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyong Domeng. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *