Coliseum na kasinglaki ng Ynares Center sa Antipolo itatayo sa Montalban, Rizal
Nakatakdang magtayo ng coliseum sa Montalban, Rizal na kasinglaki ng Ynares Center sa Antipolo.
Inanunsyo ito ni Rizal Gov. Nina Ynares sa inagurasyon ng mga nanalong kandidato sa bayan ng Montalban.
Ayon kay Ynares ang coliseum ay mayroong mahigit 7,000 capacity na maaari ding magamit ng mga mamamayan kapag mayroong kalamidad.
Maliban dito sinabi rin ni Ynares na itinatayo na satellite office ng Provincial Governor sa Brgy. Manggahan sa Montalban.
Layunin nitong mailapit sa mga mamamayan ng Montalban ang serbisyo gobernador ng Rizal.
Si Ynares ang nagpanumpa sa mga bagong halal na opisyal ng Montalban.
Ayon kay Ynares ito ang unang pagkakataon niya na nagpanumpa ng mga halal na opisyal.
Hindi rin siya dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil mas pinili niyang puntahan ang mga mamamayan ng Montalban. (DDC)