EJ Obiena wagi ng gintong medalya sa tournament sa Sweden
Matapos maka-recover sa COVID-19 agad nagtagumpay si EJ Obiena at nag-uwi ng gintong medalya sa sinalihang tournament sa Sweden.
Nagtapos si Obiena sa 5.92 meters sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.
Tinalo ni Obiena ang pambato ng Brazil na nag-uwi ng silver medal, at pambato ng Norway na nakakuha ng bronze medal.
Nagpasalamat naman si Obiena sa dalawang Pinoy na nanood ng kaniyang laban.
Nagpositibo kamakailan sa COVID-19 si Obiena kaya hindi na ito nakasali sa Oslo Bislett Games sa Norway at sa Meeting de Paris sa France.
Mananatili pa sa Swede si Obiena para naman sa Stockholm Diamond League. (DDC)