Toni Gonzaga napiling umawit ng Lupang Hinirang sa inagurasyon ni BBM

Toni Gonzaga napiling umawit ng Lupang Hinirang sa inagurasyon ni BBM

Ang TV host na si Toni Gonzaga ang kakanta ng Philippine National Anthem sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa June 30.

Magugunitang ilang beses na nagsilbing host at nag-perform si Gonzaga sa campaign rally ng UniTeam noong panahon ng kampanya.

Samantala ang singer na si Chris Villonco ay kakanta naman ng “Pilipinas Kong Mahal” sa inagurasyon kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.

Magkakaroon din ng 30-minute military-civil parade sa aktibidad.

Isasagawa ang inagurasyon sa National Museum sa Maynila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *