Maitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR posibleng umabot sa 4,600 ayon sa DOH
Posibleng umakyat sa hanggang 4,600 ang daily cases ng COVID-19 na maitatala sa Metro Manila sa kalagitnaan ng buwan.
Ayon sa Department of Health (DOH) bunsod ito ng pagtaas ng mobility ng publiko at pagbaba ng kanilang compliance sa minimum public health standards.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bumaba ng 21percent ang naitalang public compliance sa mga pinaiiral na health protocols.
Base sa projections ng DOH, maaring sa kalagitnaan ng July ay nasa 3,800 hanggang 4,600 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR.
Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng sakit, wala namang pagtaas sa severe at critical cases. (DDC)