NPA member sumuko sa Eastern Samar

NPA member sumuko sa Eastern Samar

Sumuko sa mga otoridad sa Can-avid, Eastern Samar ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).

Si alyas Ka Romy, 41 anyos na residente ng Jipapad, Eastern Samar ay sumuko sa Can-avid Municipal Police Station.

Nagsilbi asi Ka Romy ng ilang taon sa NPA biang squad leader ng Squad 1 sa ilalim ng pamumuno ni Carlito Guadiana na nag-ooperate sa northern part ng Eastern Samar.

Isinuko din ni Ka Romy ang dalawang improvised explosive device, isang revolver caliber 38 na may anim na bala at mga dokumento.

Nabatid din na ang sumukong NPA member ay may kinakaharap na warrant of arrest sa kasong murder sa Regional Trial Court, Branch 5 ng Oras, Eastern Samar.

Nasa listahan din ito bilang Top 2 Most Wanted Person sa lalawigan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *