June 30 deklaradong holiday sa Maynila para sa inagurasyon ni President elect Ferdinand Marcos Jr.
Idineklarang holiday sa lungsod ng Maynila ang June 30 na araw ng inagurasyon ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order NO. 53 na nagdedeklara sa June 30 bilang special non-working holiday sa Maynila.
Nakasaad sa EO na layon nitong masiguro ang kaligtasan, seguridad at proteksyon ng mga dadalo sa aktibidad.
Kailangan din kasi ayon sa EO na isara ang mga pangunahing lansangan malapit sa pagdarausan ng inagurasyon ni Marcos. (DDC)