Quezon City nasa “moderate risk” na dahil sa pagtaas ng average daily cases ng COVID-19

Quezon City nasa “moderate risk” na dahil sa pagtaas ng average daily cases ng COVID-19

Nasa “moderate risk” level na ang Quezon City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Quezon City Local Government, sa datos ng OCTA Research, mula sa 32 average cases noong nakaraang linggo ay umakyat na ito sa 50 cases.

Tumaas din ang positivity rate sa lungsod sa 4.0 percent mula sa 3.0 percent noong nakaraang linggo.

Habang nakapagtala din ng bahagyang pagtaas sa Reproduction Rate patungong 2.20 mula sa 1.91.

Paalala ng QC LGU sa mga mamamayan, patuloy pa ring maging maingat sa banta ng COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *