Mahigit 15,000 personnel ipakakalat para magpanatili ng kaayusan sa inagurasyon ni BBM

Mahigit 15,000 personnel ipakakalat para magpanatili ng kaayusan sa inagurasyon ni BBM

Mahigit 15,000 personnel ipakakalat para magpanatili ng kaayusan sa inagurasyon ni BBM

Mahigit 15,000 tauhan ang naipakalat na ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng gobyerno sa araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay NCRPO Director Maj. Gen. Felipe Natividad ang 15,213 personnel ay pinagsamang puwersa mula sa Joint Task Force – NCR na kinabibilangan ng mga pulis at military personnel, Philippine Coast Guard; Bureau of Fire Protection; Bureau of Jail Management and Penology; Metropolitan Manila Development Authority; Department of Health; at iba pang force multipliers .

Sa June 30 kabilang sa masusuing babantayan ang palibot ng National Museum sa Padre Burgos sa Maynila kung saan idaraos ang panunumpa ni Marcos.

Tiniyak ni Natividad na kung may grupo mang nagbabalak na isabotahe ang inagurasyon ay sisiguruhin ng pulisya na hindi ito makaaapekto sa aktibidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *