Dating DA Sec. Manny Piñol magsisilbing food security adviser sa NSA
Magsisilbi bilang food security adviser ni incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos si dating Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol.
Ayon kay Piñol, matagal na niyang kaibigan si Carlos at naging consultant niya ito noong siya ay kalihim pa ng DA.
Sang-ayon si Piñol sa pahayag ni Carlos na ang food security ay dapat ikonsidera bahagi ng national security.
Sinabi ni Piñol na mahalagang bahagi ng national security concern ang usapin sa food security.
Si Piñol ay nanilbihan sa DA simula 2017 sa ilalim ng Duterte administration.
Gayunman noong 2019 ay nagbitiw ito sa puwesto makaraang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa economic team ni Pangulong Duterte. (DDC)