Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa mahigit 5,000 na
Sumampa na sa mahigit 5,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos mula sa OCTA Research, nakapagtala ng 593 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa araw ng Miyerkules, June 22.
Dahil dito, umabot na sa 3,697,793 ang total COVID-19 case na naitala sa bansa.
Sumampa na sa 5,113 ang bilang ng mga aktibong kaso.
Nakapagtala naman ng dagdag na walo pang pumanaw kaya umabot na sa 60,484 ang bilang ng mga nasawi.
Habang dagdag na 332 na gumaling ang naitala pa.
Sa 593 na bagong kaso, 305 cases ang mula sa Metro Manila. (DDC)