P1.7M na halaga ng shabu nakumpiska sa Maynila
Aabot sa P1.7 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isang buybust operation sa Sta. Cruz, Maynila.
Sa inisyal na impormasyon mula sa MPD Station 3, dalawang suspek ang arestado.
Sila ay ay BHEDZ DALINGDING, 52 years old, taga-Sultan Kudarat at kasalukuyang nakatira sa Oroquieta St., Sta. Cruz Manila; at TERESETA HONORICA, 39 years old at kasalukuyang residente ng J. Fajardo Ext. Sampaloc, Manila.
Ang buybust operation ay naganap sa Oroquieta St. Barangay 312, Sta. Cruz, Manila kaninang alas-kwatro ng madaling araw.
Kabilang sa mga nasabat mula sa mga suspek ay 5 piraso ng selyadong transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu at 500.00 peso na buy bust money.
Ang mga naturang droga ay tinatayang tumitimbang nasa 252 gramo o may estimated value na P1,713,600.00.
Ang mga suspek ay nasa MPD PS-3 custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.