COVID-19 bed occupancy rate sa 6 na district hospitals sa Maynila nasa 1 percent lang

COVID-19 bed occupancy rate sa 6 na district hospitals sa Maynila nasa 1 percent lang

Walang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa anim na district hospitals sa lungsod ng Maynila.

Sa update mula sa Manila Public Information Office, 1 percent lamang ang occupancy rate ng COVID-19 beds sa anim na district hospital sa lungsod.

Base sa datos, mayroong 3 kaso ng COVID-19 sa Sta. Ana Hospital, tig-isang kaso sa Ospital ng Maynila at Ospital ng Sampaloc, habang wala namang kaso Ospital ng Tondo, Gat Andres Bonifacio Medical Center at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Ayon sa datos, sa 353 na COVID-19 beds sa anim na pagamutan, 5 lamang ang okupado. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *