DSWD nakapagabot na ng mahigit P200K na halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Mt. Bulusan
Mahigit P200,000 halaga na ng tulong ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Sa datos mula sa DSWD Region 5, mayroon pang 115 na pamilya ang nananatili sa mgaevacuation centers.
Katumbas ito ng 391 na katao.
Umabot naman sa 3,280 na pamilya o katumbas ng 16,400 na katao ang naapektuhan ng pagputok ng bulkan sa 11 barangay.
Ayon sa DSWD, mayroong naka-standby na 24,899 na Family Food Packs sa warehouse ng ahensya sa Albay, Catanduanes, Masbate City at Sorsogon.
Habang mayroong P5,000,642 na halaga ng standby fund. (DDC)