Typhoon Julian nasa karagatan pa din; lalabas na ng bansa bukas ayon sa PAGASA
Patuloy na kumikilos sa karagatan ang Typhoon Julian.
Juling namataan ang bagyo sa layong 715 kilometers east ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Pa-Hilaga ang kilos ng bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour.
Bukas ng umaga inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Habagat at Typhoon Julian.
Maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.
Makararanas lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning at bawal ang pumalaot sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Islands.