Mahigit 500 Pinoy naharatiran ng food packs sa Shanghai kasunod ng pagpapatupad ng lockdown dahil sa kaso ng COVID-19

Mahigit 500 Pinoy naharatiran ng food packs sa Shanghai kasunod ng pagpapatupad ng lockdown dahil sa kaso ng COVID-19

Mahigit 500 Pinoy sa Shanghai ang nahatiran ng relief goods dahil sa ipinatutupad na lockdown bunsod ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), noong May 7, 9,247 na Pinoy ang nakatanggap ng food packs.

Habang 288 na Pinoy naman ang nakatanggap ng food packs noong May 22 hanggang 24.

Ang food packs ay naglalaman ng bigas, itlog, gulay, prutas, mantika at iba pang dry goods.

May kasama din itong mga de lata, meat products, noodles, soup mixes at iba pa.

Ayon sa DFA, ang dalawang rounds ng relief operations ay isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Consulate General Office sa Shanghai. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *