17-anyos na Nepalese itinanghal ng Guinness bilang “shortest teenager living”
Isang 17-anyos na lalaki sa Nepal ang itinanghal ng Guinness World Records bilang “shortest teenager living”.
Ayon sa Guinness, si Dor Bahadur Khapangi ay ipinanganak noong Nov. 14, 2004.
Nagtungo ang mga kinatawan ng Guinness sa Kathmandu, Nepal noong nagdaang buwan ng Marso para sukatin ang height ni Khapangi.
Ayon sa Guinness, umabot lamang ng 2ft and 4.9 inches ang taas nito o 73.43 cm.
Kamakailan iginawad na kay Khapangi ang Guinness World Records certificate.
Ayon sa kapatid ni Khapangi, maayos naman ang kondisyon nito mula nang ipanganak, subalit pagsapit ng edad na pito ay huminti na ang kaniyang paglaki. (DDC)