Pagpapataw ng dagdag na buwis, pag-alis sa tax exemptions ipinanukala ng DOF sa administrasyong Marcos

Pagpapataw ng dagdag na buwis, pag-alis sa tax exemptions ipinanukala ng DOF sa administrasyong Marcos

Ipinanukala ng Department of Finance (DOF) sa susunod na administrasyon ang pagpapatupad ng panibagong bayaring buwis.

Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, maliban sa dagdag na buwis, ipinanukala din ng DOF sa papasok na administrasyong Marcos ang pagsuspinde sa personal income tax reductions at pagtanggal sa ilang tax exemptions.

Layunin nito ayon kay Andanar na makakalap ang gobyerno ng kinakailagang kita.

“Imposing new taxes, deferring personal income tax reductions and repealing some tax exemptions are some of the proposals of the Department of Finance to the incoming Marcos Administration to raise the much-needed government revenues,” ani Andanar.

Sa kabila ng panukala, sinabi ni Andanar na ang pinal na pagpapasya hinggil dito ay nasa Economic Team ni president elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *