Ipinakakalat na balita hinggil sa pagbibigay umano ng insentibo sa mga may hindi magandang karanasan sa COVID-19 vaccines, peke ayon sa DOH
Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na balita na nagsasabing magbibigay ng insentibo ang gobyerno sa mga indibidwal na mayroong hindi magandang karanasan sa COVID-19 vaccines.
Ayon sa DOH, peke ang ipinakakalat na impormasyon.
Hinikayat ng DOH ang publiko na palagiang i-check ang mga opisyal na DOH sources bago ipalaganap ang mga natatanggap nilang chain messages.
Sinabi ng DOH na lahat ng bakuna na ibinibigay ng pamahalaan ay napatunayan nang ligtas at epektibo.
Sumailalim ang mga ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto hidni lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo.
Sa halip na magpalaganap ng maling impormasyon, sinabi ng DOH na dapat maging responsable ang bawat isa at magbahagi lamang ng tama at beripikadong impormasyon. (DDC)