DOH sinisigurong naka-quarantine ang close contacts ng unang kaso ng BA.4 variant sa bansa
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakasailalim sa nararapat na quarantine ang mga close contacts ng pasyenteng nagpositibo sa Omicron sub variant BA.4.
Unang inanunsyo ng DOH na isang lalaki na galing sa Middle East at dumating sa bansa noong May 4 ang nagpositibo sa COVId-19 apat na araw ang nakalipas mula nang siya ay umuwi.
Kalaunan, na-detect ng DOH na BA.4 variant ang tumama sa pasyente na mas mabilis na makahawa kaysa ibang variant.
Sinabi ng DOH na agad tiniyak na ang mga nakasalamuha ng lalaki ay maisasailalim sa quarantine para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Muli namang hinimok ng DOH ang publiko na magpabakuna at magpaturok ng booster doses para may panlaban sa anumang variant ng COVID-19. (DDC)